Lubog sa utang: Paano Makakatulong ang “Dagdag-Bawas Principle”

122 Shares

Ang aking tatalakayin ay may kinalaman sa “dagdag-bawas principle.”

Read Financial Education and its effect in the Workplace

Gusto kong i-imagine mo na ikaw ay nakasakay sa isang bangka habang namamasyal isang summer. Maayos na sana ang iyong bakasyon habang pinagmamasdan ang ganda ng tanawin sa paligid. Sa kasamaang palad, hindi mo namamalayan na may maliit na butas sa gilid ng iyong sinasakyang bangka.

Dahil dito, unti-unting pumasok ang tubig sa loob ng iyong bangka. Bagamat maliit pa ang butas, alam mo na maari kang lumubog at malunod kung hindi mo maaayos ang problema. Syempre, kung hindi ka marunong lumangoy, tiyak na maari kang mapahamak, tama ba?

Pero dahil ako ay lumaki malapit sa tabi ng dagat at marunong lumangoy, pwede kong iligtas ang aking sarili. Ang tanong, paano kaya kung ikaw na?

Ano ang maaring solusyon?

Anu-ano ang mga dapat mong gawin? Well, sa ganitong pangyayari,  maaari kang magpasimulang maglimas ng tubig o di kaya naman ay takpan ang butas.

Ang “financial drowning” o unti-unting pagbaon sa utang ay katulad rin ng isang bangkang unti-unti nalubog sa tubig.  Kung hindi ka gagawa ng paraan, tiyak na ikaw ay lulubog sa problemang pinansyal. At sa totoo lang, walang sinuman ang nais mabaon o malunod sa utang.

Halimbawa, subukan mong magmasid sa paligid mo. Parang laging kulang tayo sa pera. Bibihira yatang tao ang walang utang sa ngayon, yun lang yatang mga nakatira sa planetang Mars. Ano ang dapat gawin kung umabot na sa mahigit dalawang-daang libo ang iyong utang? Hindi naman laging bahala na si Batman, di ba?

Katulad ng paglimas ng tubig at pagtakip ng butas sa bangka, maari mong subukan ang “dagdag-bawas principle.” Saglit lang, ang tinutukoy kong “dagdag bawas principle” ay hindi katulad ng isang dayaan sa panahon ng halalan.

Ito ay isang katagang aking masusing pinag-aralan bunga ng malikhaing pag-iisip. 🙂

Ano ang ibig sabihin ng “dagdag?”

Sapagkat hindi sapat ang iyong kinikita dahil sa napakaraming bayarin, mabuti na magdagdag ka ng iba pang mapagkakakitaan o sideline. Tandaan, lahat tayo may kanya-kanyang abilidad o kakayahan na maaring gamitin upang kumita ng salapi.

Pwede kang magbenta ng mga produkto gaya ng sabon, pampaganda, at kung anu-ano pa. Kung marunong kang magturo, maari kang magtutor pagkatapos ng iyong trabaho. Kung marunong kang magluto, pwede kang magbenta ng mga pagkain o kakanin sa iyong mga ka officemate.

Sa madaling salita, maraming paraan para kumita ng pera. Dahil ikaw ay may utang, kailangan mo ang dagdag na kita para mapabilis ang pagbabayad.

Ano naman ang ibig sabihin ng “bawas?”

Maniwala ka o hindi, ang laki ng sweldo ay hindi nangangahulugan ng financial freedom. Sa katunayan, kapag malaki ang sweldo, mas lalo tayong lumalakas ang loob na mangutang kasi alam natin na mayroon tayong ipambabayad.

Pero ang totoo, tumataas din ang ating mga gastusin. Karaniwan itong nangayayari sa isang OFW na kumikita ng medyo malaki kesa sa Pilipinas.

Halimbawa, kung dalawampung libong piso lang ang sweldo mo buwan-buwan, subalit ang gastos mo naman ay nasa mahigit pa rito, tiyak na babaon ka nga sa utang. Katulad ng paglimas ng tubig sa loob ng bangka, kailangan mong magbawas ng gastusin para hindi ka lumubog sa utang.

Marami namang paraan para makatipid.  Halimbawa, magtipid sa pagamit ng kuryente. Iwasang kumain sa labas ng madalas o kaya naman ay pagbili ng mga bagay na di naman kailangan. Okay rin naman ang mayroong bagong “iphone” pero mas mainam ang may “ipon.”

Kaya hanggat maari, magbawas ng gastusin habang maaga.

Ang aking huling payo

Makinig kang mabuti.  Sang-ayon kay Benjamin Franklin, kahit ang maliliit na gastusin sa  araw-araw ay dapat nakaplano: “Beware of little expenses. A small leak will sink a great ship,” ang wika niya. Ang pera ay isang paraan upang maging magpapala sa iyo. Ngunit kung hindi mo ito gagamitin sa tamang paraan, tiyak na masisira ang iyong relasyon sa tao at sa Diyos, bukod pa ang labis na pag-aalala.

Mainam na mag-impok habang maaga at maglaan ng emergency fund. Tandaan, mabuhay ng simple at isakabuhayan ang “dagdag-bawas principle.” Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil ang Diyos ay hindi naman nagpapabaya.

Sapagka’t pagpapalain ka ng Panginoon mong Dios, na gaya ng ipinangako niya sa iyo…at ikaw ay magpupuno sa maraming bansa, nguni’t hindi ka nila pagpupunuan. –Deuteronomy 15:6

Note: Follow the author’s personal blog to read more of his financial advices at richlyblessedtoday.com.

Leave A Comment
Jun Amparo
122 Shares

Jun Amparo

JUN AMPARO is the author of two inspirational books about personal finance and marriage.  He is nominated as Huwarang OFW 2019 organized by The 700 Club Asia and is pursuing his doctoral study in education. Presently, he is working as a university counselor and lecturer at Asia-Pacific International University in Thailand.