8 OFWs sa Hongkong, pinagmulta dahil diumano sa paglabag sa social distancing
Walong mga OFWs sa Hongkong ang pinagmulta dahil diumano sa paglabag sa protocol ng social distancing noong nakaraang August 9.
Base sa ulat ng “24 Oras” noong Lunes, ang mga nasabing OFWs ay pinagmulta ng nagkakahalagang 2,000 Hong Kong dollars o nasa mga P13,000.
Sang-ayon pa sa ulat, mga 50 police officers ang nagpunta sa Chater Road at Statue Square upang kaagarang paalalahanan ang OFWs ang bumalik na sa kani-kanilang employers.
Sang-ayon naman sa isang lider ng grupo ng mga OFW sa Hong Kong, ang pagpataw ng multa ay hindi isang tamang paraan upang labanan ang nasabing virus.
Sa katunayan, aniya, ang mga OFWs ay nagrerelaks lamang sapagkat hindi sila pinapayagang lumabas ng kanilang mga employers simula Lunes hanggang Sabado.
Source: GMA News
- Six ways OFWs can have sound mental health during the pandemic - January 31, 2022
- Learn to Compliment and Appreciate Your Spouse - February 28, 2021
- 7 Toxic Signs It’s Time To Quit Your Job And Look For A Better One - September 11, 2020