5 mga pangako ng Diyos na dapat mong panghawakan sa gitna ng coronavirus
“Mommy, miss ko ng maglaro sa playground ng school.” Ito ang sabi ng aking Grade 4 na anak pagkatapos na pansamantalang magsara ang school dahil sa Covid-19 o coronavirus. Nagstart na rin syang magsagot ng mga assignments gamit ang online learning kasama ang kanyang kuya Justin na nasa Grade 6.
Next week, pag-uusapan sa aming faculty meeting kung papaano ang magiging transition ng klase from face-to-face to distance or online learning ng mga university students.
Maraming mga tao sa ngayon ang nangangamba kung ano ang posibleng mangyari sa hinaharap. Nakakalungkot isipin na ang coronavirus ay naghahatid ng takot at pag-aalala sa marami nating kababayan at kahit sa ibang panig ng mundo.
Halimbawa, dahil sa paglaganap ng coronavirus, hindi na tayo makapagbyahe katulad ng dati. Ang ilan naman ay nagpanic buying habang marami sa ating mga kababayan ang hindi na makapagtrabaho. Bagsak din and financial market at wala ng mga malakihang pagtitipon gaya ng mga church gathering, graduation sa school, at sports event gaya ng mga laro sa PBA at NBA.
Meron ding psychological effect ang coronavirus na parang marami sa atin ay nagiging paranoid sanhi ng labis na pag alala. Napansin mo ba na kadalasan ay hindi natin pinapansin kung meron tayong ubo sapagkat ito ay pangkaraniwan lamang?
Ngayon, subukan mong umubo at masama lahat ang tingin ng nasa palagid mo. Kahit ang konting sneeze o pagbahing ay may banta ng takot dahil nag-iisip tayo na baka nahawa na tayo coronavirus.
Bagaman hindi madali ang mamuhay dahil sa banta ng coronavirus, narito ang ilang mga pangako ng Diyos na dapat mong panghawakan.
1. Ililigtas tayo sa panganib
Sa panganib at bitag ika’y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas. Mga Awit 91:3
2. Ang Diyos ay laging tapat sa atin
Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa masama. 2 Tesalonica 3:3
3. Hindi Niya tayo iiwan
Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan man. Deuteronomio 31:6
4. Palalakasin at tutulungan tayo
Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. Isaias 41:10
5. Iingatan tayo kung hihingi ng tulong
Ngunit ang humihingi ng tulong sa iyo ay masisiyahan,at lagi silang aawit nang may kagalakan.Ingatan mo ang mga sa iyo’y nagmamahal,upang magpatuloy silang ika’y papurihan. Mga Awit 5:11
Mag-ingat at magtiwala sa Diyos
Bagaman marami sa atin ang natatakot sa coronavirus, isa itong pagkakataon para maglaan ng panahon para magkasama-sama ang isang pamilya habang naka-quarantine sa ating mga tahanan.
Sa katunayan, pwede pa rin namang mag-aral ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng online worship at manood ng mga live streaming sa internet. Sa gitna ng coronavirus, bukod sa ibayong pag-iingat, ang kailangan natin ay ang patuloy na magtiwala sa Diyos.
- Six ways OFWs can have sound mental health during the pandemic - January 31, 2022
- Learn to Compliment and Appreciate Your Spouse - February 28, 2021
- 7 Toxic Signs It’s Time To Quit Your Job And Look For A Better One - September 11, 2020